Tuesday, November 8, 2011

Corniche Beach

Sinasamantala talaga namin ang holidays so after spending 2 days in Dubai, go naman kami sa Abu Dhabi. Naudlot din kasi ang swimming sa Al Mamzar beach kaya dito na namin tinuloy. Kahit pagod paguran kami at puyat, pinilit talaga namin gumising ng maaga. Sulit at enjoy naman. First time naming mag beach sa UAE at makapaunta sa corniche kahit na nasa city lang sya. Maganda yung place at white sand din sya feeling beach ng pinas dahil halos mga "kabayan" ang kasabay namin maligo pero may ilan ding ibang lahi, may nag swimming pa nga ng naka abaya covered ng takip sa buhok hanggang sa paa. Weird talaga dito.
the beach looks so peaceful
enjoy ang magkapatid maglaro
Me and hubby
rare family pic na lahat nakatingin madalas si nichole e d nakatingin sa cam

0 comments: